Ang mga naisaling materyal na nasa ibaba ay sinusuri ng mga tagapagsalita ng katutubong wika at posibleng i-update kung may anumang hindi pagkakatugma. Kung mayroon kang tanong o alalahanin tungkol sa mga materyal, makipag-ugnayan sa accelerator@artsfund.org. Pakitandaan na ang aming kawanihan ay may kakayahan lang na makipag-usap sa English.
I-click ito para sa link sa recording ng Webinar ng Sesyon para sa Impormasyon.
Ikinalulugod ng ArtsFund na ianunsiyo ang tungkol sa isang bagong programang gumagawa ng grant, ang Community Accelerator Grant (Grant na Pampatulin sa Komunidad), na isang makasaysayang pamumuhunan sa sektor ng sining at kultura ng Washington.
Ang programang Community Accelerator Grant ay pinopondohan ng Paul G. Allen Family Foundation at magbibigay ng mga grant na walang restriksiyon para sa mga nonprofit na organisasyong pangkultura sa estado ng Washington na nagkakahalaga ng $2,500 hanggang $25,000. Sa tulong ng pondo, mabibigyan ng kailangang kapital ang mga organisasyong pangkultura ng Washington, kasama na ang mga organisasyong may piskal na sponsor at pantribo, na ang pangunahing misyon ay gumawa o sumuporta sa mga aktibidad na pangsining at pangkultura.
Walang restriksiyon ang mga award, at ang mga recipient na organisasyon ay papayagang gamitin ang pondo sa mga paraang pagpapasyahan nila at bibigyang-priyoridad para makagawa ng pinakamalaking epekto.
Ipo-post ang link para sa aplikasyon sa web page ng Community Accelerator Grant nang 12:00 ng tanghali sa Enero 4. Ang huling araw para mag-apply ay 5:00 p.m. sa Enero 31. Pag-aralan ang FAQ na nasa ibaba bago mag-apply at makipag-ugnayan sa accelerator@artsfund.org kung may anumang tanong.
1. Ano ang mga kailangan para makwalipikang mag-apply sa Community Accelerator Grant?
• Ang Community Accelerator Grant ay inilaan para pondohan ang sektor ng sining at kultura ng Estado ng Washington. Kwalipikadong mag-apply ang mga organisasyong 501(c)(3), organisasyong may piskal na sponsor na isang organisasyong 501(c)(3), o pantribong organisasyon. Bukod pa rito, ang mga organisasyon ay dapat:
o May average na taunang budget sa pagpapatakbo na mas malaki sa $25,000 sa loob ng tatlong taon;
o May pangunahing misyon na gumawa at sumuporta sa mga aktibidad na pangsining at pangkultura.
• Kasama sa mga organisasyong itinuturing na hindi kwalipikado ang:
o Mga indibidwal
o Mga for-profit na organisasyon
o Mga organisasyon may politikal na adbokasiya
o Mga organisasyong nasa labas ng estado ng Washington
o Mga simbahan at panrelihiyong organisasyon
2. Mayroon bang anumang espesyal na tagubilin para sa mga organisasyong may piskal na sponsor na 501(c)(3)?
• Maaaring mag-apply ang mga organisasyong may piskal na sponsor sa ilalim ng kanilang piskal na sponsor. Pakitandaan na ang kailangang $25,000 na minimum na budget ay ipinapataw inyong organisasyon , at hindi inyong piskal na sponsor.
• Inyong aplikasyon:
o Petsa kung kailan itinatag ang organisasyon: Ilagay ang petsa kung kailan itinatag ang organisasyon, hindi ang petsa kung kailan itinatag ang inyong piskal na sponsor.
o Mailing address: ilagay ang mailing address ng inyong piskal na sponsor.
o EIN: Ilagay ang Employer Identification Number (EIN, Numero ng Pagkakakilanlan ng Employer) ng inyong piskal na sponsor.
o 990: I-upload ang 990 form ng inyong piskal na sponsor.
o Form ng pinansiyal na impormasyon: Ilagay ang budget at aktuwal na numero para sa inyong organisasyon, hindi para sa inyong piskal na sponsor.
o Demograpiko ng Miyembro ng Lupon: Kung may namamahalang lupon ng mga direktor ang organisasyon, pakisagutan ang survey ng demograpiko batay sa pangkat na iyon. Kung walang namamahalang lupon ng mga direktor ang organisasyon, pakisagutan ang survey batay sa tagapayong grupo ng organisasyon. Kung wala sa nabanggit, pakipili ang field na “Hindi alam/mas gustong hindi sumagot/hindi angkop.” Ang mga organisasyong may piskal na sponsor ay hindi dapat magsama ng demograpikong impormasyon ng lupon ng kanilang piskal na sponsor.
3. Limitado lang ba sa mga organisasyong pangsining ang Community Accelerator Grant?
• Ang oportunidad na ito sa pagpopondo ay para lang sa mga organisasyong may pangunahing misyon na gumawa at sumuporta sa mga aktibidad na pangsining at pangkultura.
4. Puwede bang mag-apply ang organisasyon para pondohan ang isang partikular na programa o sumuporta sa mga aktibidad na pangsining at pangkultura, kahit na hindi ito ang pangunahing misyon ng organisasyon?
• Hindi. Ang oportunidad na ito sa pagpopondo ay nakalaan lang sa mga organisasyong may pangunahing misyon na gumawa at sumuporta sa mga aktibidad na pangsining at pangkultura. Ang mga programang may mga ganitong kategorya na pinapatakbo ng mga organisasyong may mas malalawak na misyon ay hindi kwalipikado para sa oportunidad na ito.
5. Kung $25K ang minimum na budget sa pagpapatakbo, mayroon bang maximum na budget?
• Wala.
6. Paano kinakalkula ang taunang budget sa pagpapatakbo?
• Kinakalkula ang taunang budget sa pagpapatakbo kapag pinagsama-sama ang inyong kabuuang kita para sa dalawang pinakahuli ninyong natapos na piskal na taon at ang naka-budget na kita ng kasalukuyan ninyong taon na hinati sa 3. Kung katumbas o mas malaki sa $25,000 ang numerong ito, natugunan ng inyong organisasyon ang kailangang budget.
7. Nasa Oregon/Idaho ang aming organisasyon, pero residente ng Washington ang marami naming kalahok, puwede ba kaming mag-apply?
• Hindi. Kahit na nagsisilbi ang inyong organisasyon mo sa mga taga-Washington, nasa Estado ng Washington dapat ang inyong organisasyon para makwalipika.
8. Kwalipikado ba kami kung kami ay pantribong organisasyon?
• Oo, kung matutugunan ninyo ang iba pang kinakailangan. Pakisaad sa aplikasyon na kayo ay pantribong organisasyon.
9. Kwalipikado bang mag-apply ang mga kasalukuyan o dating ArtsFund grantee? Mas malaki ba ang posibilidad na mapondohan ng grant na ito ang mga ArtsFund grantee?
• Ang mga kasalukuyan o dating ArtsFund grantee ay kwalipikadong mag-apply, kung matutugunan nila ang iba pang kinakailangan para sa pagkwalipika. Ang status bilang kasalukuyan o dating ArtsFund grantee ay hindi makakaapekto sa posibilidad na makatanggap ng pondo ang inyong organisasyon. Ang mga kasalukuyan o dating ArtsFund grantee ay hindi ginagarantiyang mapopondohan sa tulong ng programang ito.
10. Nakatanggap ang organisasyon namin ng grant sa programang Nonprofit Community Recovery (NCR) Grant (Grant para sa Pagbawi sa Komunidad ng Nonprofit). Kwalipikado ba kami para sa grant na ito?
• Ang mga grupong nakatanggap ng mga NCR grant ay maaaring makwalipika, pero hindi ginagarantiya ang kanilang pagkwalipika. Iba ang mga kailangan sa pagkwalipika para sa programa ng grant na ito, kaya pag-aralan ang lahat ng kailangan sa pagkwalipika upang alamin kung makakwalipika ang inyong organisasyon.
11. Kwalipikado bang mag-apply ang mga organisasyong pangkultura?
• Ang mga organisasyong pangkultura ay kwalipikadong mag-apply, kung may ginagawa silang makabuluhan sa larangan ng sining. Makipag-ugnayan sa accelerator@artsfund.org kung hindi kayo sigurado kung kwalipikado ang inyong organisasyon.
12. Sa chart ng impormasyon ng organisasyon, hinihiling na ilagay ng mga organisasyon ang pinansiyal na data para sa FY2021 at FY2022 (at FY2023 na naka-budget) – ang mga ito ba ay aktuwal o budget?
• Gumamit ng aktuwal para sa mga natapos nang piskal na panahon, at gumamit ng naka-budget na halaga para sa mga piskal na taong hindi pa tapos.
13. Ano ang pinagkaiba ng kinita at kinita mula sa kontribusyon?
• Ang kinita ay anumang pondong natanggap na direktang kapalit ng produkto, programa, o serbisyo; kasama na rito ang bayarin para sa programming, income sa kontrata, pagbebenta ng ticket, concession, bayad para sa membership, at item sa gift shop. Ang income mula sa kontribusyon ay anumang pondong natanggap na hindi direktang kapalit ng produkto, programa, o serbisyo; kasama na rito ang pondo ng grant, indibidwal na donasyon, pondo ng gobyerno, suporta ng foundation, at sponsorship.
14. Bakit magkahiwalay ang gastusin sa tauhan at ang gastusin sa pagpapatakbo?
• Ang gastusin sa tauhan ay kasama dapat inyong linya ng gastusin sa pagpapatakbo (kung angkop). Hinihiling namin ang numerong ito nang nakahiwalay para sa mga layunin sa pananaliksik at adbokasiya. Ang gastusin sa tauhan ay ang gastusin lang na nauugnay sa mga halagang nasa payroll; kasama na rito ang mga suweldo, sahod, insurance sa payroll, at benepisyo ng empleyado. Ang mga stipend at nakakontratang serbisyo ay hindi kasama sa kategoryang tauhan. Kung walang binabayarang kawanihan ang inyong organisasyon, pakilagay ang 0.
15. Bakit itinatanong sa aplikasyon kung paano namin gagamitin ang pondo?
• Ang tanong na ito ay para maunawaan ang pangangailangan ng mga organisasyon sa sektor ng sining at kultura ng Washington. Hindi gagamitin ang sagot na ito para kalkulahin ang inyong award.
16. Kailangan ba namin iulat na ginamit ang pondo sa paraang iniulat sa aplikasyon? Mapaparusahan ba ang aming organisasyon kung gagamitin namin ang pondo para sa ibang larangan?
• Hindi. Hindi kailangang magbigay ng ulat para sa grant na ito. Walang restriksiyon ang mga grant, at dapat gamitin ng mga recipient na organisasyon ang dolyar ng grant sa paraang akma sa kanila.
17. May kahit ano bang restriksiyon kung para saan gagastahin ang pondo?
• Oo. Hindi puwedeng gastahin ang pondo sa mga serbisyo at/o tulong na nag-aatas sa mga tao na lumahok sa anumang panrelihiyong workshop, gawain, o pagtuturo bilang kondisyon ng pagtanggap ng tulong; panrelihiyong workshop, gawain, o pagtuturo. Kasama sa iba pang hindi kwalipikadong gastusin ang: personal na gastusing hindi pangnegosyo (hal., mortgage ng bahay, mga personal na utility).
18. Para sa mga layunin ng survey ng demograpiko, ano ang kahulugan ng kawanihan?
• Para sa mga organisasyong may binabayarang kawanihan, isama ang lahat ng kawaning nasa payroll (ang mga taong binabayaran ng sahod o suweldo, hindi stipend o kita sa kontrata.)
• Para sa mga organisasyong pinapatakbo ng mga boluntaryo na walang binabayarang kawanihan, isama lang ang mga boluntaryong may mga tungkuling mamuno, mangasiwa, o magkoordina ng programa at may mahalagang antas ng responsibilidad para pamahalaan ang organisasyon o grupo. Ang ilang halimbawa ng mahahalagang posisyon na boluntaryo ay maaaring kabilangan ng direktor, tagapangasiwa ng programa, o team coach.
19. Kailangan ba naming sagutan ang survey ng demograpiko? Kung hindi namin gustong magbigay ng impormasyon para sa aming lupon o kawanihan, puwede ba namin gamitin na lang ang “hindi alam/mas gustong hindi sumagot/hindi angkop” para sa lahat ng miyembro ng lupon/kawanihan?
• Kailangang sagutan ang field na survey ng demograpiko. Hinihikayat ang mga grupo na sumagot nang tumpak hangga’t maaari, pero maaari ninyong piliing hindi magsama ng demograpikong impormasyon kung sasagot kayo ng “hindi alam/mas gustong hindi sumagot/hindi angkop” para sa lahat ng miyembro ng inyong lupon at kawanihan.
Gagamitin namin ang impormasyong ito para tiyaking maipamamahagi nang patas ang pondo sa mga grupo, kasama na ang mga nakasentro sa boses ng mga taong kumikilala sa kanilang sarili bilang BIPOC, LGBTQ+, at mga taong may mga kapansanan. Isasaalang-alang ang demograpikong impormasyong ito kapag kinakalkula ang mga pinal na award, ibig sabihin, ang mga grupong hindi magbibigay ng kumpletong demograpikong impormasyon ay hindi magkakaroon ng demograpikong impormasyong gagamitin para sa pagkalkula ng award.
20. Malawak ang saklaw ng award na nasa pagitan ng $2,500 at $25,000. Paano ninyo malalaman kung magkano ang makukuha ng bawat isa?
• Malayang makakahiling ang mga organisasyon ng anumang halaga ng pondo. Inirerekomenda namin na hilingin ng mga organisasyon ang halaga ng pondong magpapalakas sa kakayahan ng organisasyon para mamuhunan sa misyon at mahalagang tungkulin ninyo sa inyong komunidad.
21. Kailan pagpapasyahan ang pondo?
• Aabisuhan ang mga organisasyon tungkol sa status ng kanilang award sa Marso. Ipamamahagi ang pondo sa Marso 31, 2023.
22. Ao ang ibig mong sabihin sa “Naniniwala kami na maisusulong ang pagkakapantay-pantay kung isesentro ang mga taong pinakaapektado ng sistemikong pang-aapi, kasama na ang Black, Indigenous, and People of Color (BIPOC, Itim, Katutubo, at mga Taong may Kulay), LGBTQ+, at mga taong may mga kapansanan”?
• Hinihikayat ng ArtsFund na mag-apply ang mga organisasyong nakasentro sa mga organisasyong pamprobinsiya at nakasentro sa boses ng mga taong kumikilala sa kanilang sarili bilang BIPOC, LGBTQ+, at mga taong may mga kapansanan.
23. Kailan magsisimula ang aplikasyon?
• Ipo-post ang link para sa aplikasyon sa web page ng Community Accelerator Grant nang 12:00 ng tanghali sa Enero 4. Ang huling araw para mag-apply ay 5:00 p.m. sa Enero 31.
24. Puwede bang magbago ang deadline ng aplikasyon?
• Hindi. Hindi namin matatanggap ang mga aplikasyong lampas na sa deadline.
25. Kailangan ba namin tapusin ang aming aplikasyon nang isang upuan lang? Puwede ba kaming tulungang sumagot ng ibang tao mula sa aming organisasyon ko?
• Hindi, puwede kayong mag-log in sa inyong WizeHive account para gumawa ng pagbabago sa inyong aplikasyon anumang oras sa panahon ng aplikasyon (12:00 PM sa Enero 4 – 5:00 PM sa Enero 31). Makakapag-set up kayo ng WizeHive account kapag nagbukas na ang portal ng aplikasyon. Isang tao lang sa bawat organisasyon ang puwedeng gumawa ng mga kredensiyal sa pag-log in, na puwedeng ibahagi sa iba.
26. Paano kung mapagtanto naming nagkamali kami sa aming aplikasyon pagkatapos namin itong isumite? Maitatama ba namin ito?
• Pagkatapos maisumite ang aplikasyon, hindi na ito mae-edit. Kung kailangan ninyo itong itama bago ang huling araw ng aplikasyon, makipag-ugnayan sa accelerator@artsfund.org o tumawag sa (206) 788-3043.
27. Kung kailangan namin ng karagdagang teknikal na tulong sa aming aplikasyon , kanino kami makikipag-ugnayan?
• Puwede kayong makipag-ugnayan sa kawanihan sa ArtsFund: mag-email sa accelerator@artsfund.org o tumawag sa 206-788-3043 para sa karagdagang tulong o tanong.
• Nag-host ng isang webinar tungkol sa impormasyon sa publiko noong Disyembre 9. Makikita ang naka-record na webinar sa web page ng Accelerator sa kalaunan. Awtomatikong lumalabas ang mga subtitle at interpretasyon ng ASL sa recording ng webinar. Ida-dub din ang webinar sa iba pang wika. Ipo-post ang mga naka-dub na bersiyon sa web page ng Accelerator kapag handa na ang mga ito.